2 – Chateau

image

2 – Chateau

Francheska Celestial

I had seen every beautiful things in France pero iba pa din ang pagkamangha ko sa kagandahan ng Pilipinas. There’s just this swell of pride dahil alam kong atin ito, galing ako dito. It wasn’t easy coming to Chataeu De Villa. Malayo ito, nasa liblib na lugar at sobrang haba ng byahe pa mula sa bahay.

Kahit nakaupo lang naman ay napagod pa din ako. I imagined Dad would be just as tired, possibly even more dahil siya ang nag-da-drive. We stopped by in Vigan muna para kumain. Doon kami sinalubong ng pinadalang tao ni Jaime De Villa, si Manong Ponsoy. Siya ang nagturo sa amin ng direksyon dahil bagamat nakapunta na sa Ilocos si Daddy ng ilang beses, hindi niya pa kabisado ang daan papuntang Edens kung nasan ang Chateau.

We rode out of the city, the scent of salty air getting replaced by fresh mountain breeze. I took out my phone and captured several snapshots of the green fields we passed by.

Just simply breathtaking.

Finally, after an hour or so, we arrived. Bumaba ako at nasulyapan ang grey na arkong nagsasabing Chateau De Villa.

Hectares of rolling lands greeted us and extended as far as the eye could see. Mula dito ay nakikita ko din ang mga crops at naglalakihang puno na nakapaligid. I stood in awe. All of these belonged to the De Villa?

The Chateau was nestled in a rural area quite very far from the cities. Forested ang lugar na ito at halos nasa bundok na kaya sadyang puro puno at lupa lang ang makikita. Mayroong town na malapit dito pero malayo at kailangan ng habal habal para matunton iyon.

The cold mountain breeze billowed on my face, blowing my hair from behind me. With one hand, hinawakan ko ang buhok ko para pigilan ang pagsabog nito.

“Dito po tayo, sir,” ani manong at tinahak ang mahabang dirt road papasok ng hacienda.

Sumunod kami sa kanya ni Daddy.

“Sino ba ang nandyan?”

“Si sir Jaime po at ang anak niya.”

Mahaba ang nilakad namin. Dito palang ay naaaninag ko ang malaking farm house at iilang mga gusali sa malayong banda ng Chateau. Sa bandang gilid naman ay iyong farm resort nila para sa mga guests.

Dumaan kami sa blue gate at huminto pansamantala sa farm office na nagsisilbi ding main entrance ng hacienda. May kinausap doon si Manong Ponsoy.

“You’ve been here before, Dad?” tanong ko kay Dad dahil mukhang sanay na sanay na siya sa lugar na ito.

“Only twice. Are you okay?”

Tumango ako. Hindi ako sanay sa dinadaanan namin pero mainam na sandals ang sinuot ko ngayon at hindi iyong stan smith na hilig ko. Hindi naman gaanong maputik sa dinaanan ko pero mahirap na.

Nang matapos si Manong Ponsoy ay tinanong niya kami kung gusto ba naming sumakay na sa truck para maabot ang mansion. Tinanggihan ito ni Daddy dahil gusto niya daw na makita ko ang lahat.

Well. I was getting tired but I didn’t tell him that.

Nagpatuloy na ulit kami. Developed na itong lugar, ‘yun ang napansin ko pero hindi ito masyadong binago. It mostly kept to its natural state, hindi tulad ng ibang mga hacienda na masyado ng pinakialaman.

Maybe that’s why the Chateau was refreshing to the eye. Natural na natural ang lahat dito. Even iyong farm resort nila, it gave off the vibe of a paradise than anything else.

I kept close to my dad while we strolled across corn fields. Nakakatanaw din ako ng iba-iba pang mga prutas sa malayo. Ang puno sa gilid ay puno ng mga mangga. Marami nang nagtatrabaho sa parteng ito. May mga green houses at mga alagang hayop.

Binalik ko ang atensyon ko sa nilalakaran namin. May dinaanan kaming signage bago nagbago ang lupain.

The Grape Life.

My jaw dropped at the breathtaking sight of vines snaking around tall posts and trellises teeming with luscious red grapes. Maraming mga tao dito na abala sa pagkuha ng mga ubas. Ang pinagtataka ko ay mukhang turista ang mga ito.

“Trabahador po ba sila dito?” I asked Daddy quietly.

He chuckled. “Hindi, anak. Mga bisita ‘yan. Pick and pay kasi dito.”

Tumango ako, namamangha sa nangyayari. Hindi nakalagpas sa akin ang mga long tables at cottages na dinadaanan namin. Namataan ko din ang isang puting bahay katabi ng parang mini restaurant dito.

“Lagi bang madaming tao dito?” tanong ni Daddy sa kasama namin.

“Medyo po, sir. ‘Yung mga turista po kasing gustong magpunta ng falls ay dumadaan din dito para mamitas. Minsan po sinasadya nila ‘yung mga alak.” Tinuro niya ‘yung puting bahay at doon ko napagtanto na tindahan pala ‘yon.

“Magkano ang bayad per kilo?”

“One hundred twenty po.”

“Anu-ano po ang mga tinitinda doon?” Tinuro ko ‘yung puting bahay.

“Mga prutas po, mga alak. Mayroon ding mga cuttings para sa mga gusto ding sumubok magtanim.” Tumingin sa akin si manong. “Gusto niyo po bang huminto muna? May free tasting po sa loob kung gusto niyo ng alak.”

Tumingin sa akin si Daddy. “Gusto mo ba?”

“Maybe later po.”

Naglakad na kami at nilagpasan ang mini restaurant dito na hula ko’y ginawa talaga para sa mga turista. It’s a genius idea, to be honest. Hindi lang sila kumikita sa mga prutas, nakakapag-attract pa sila ng mga turista sa lugar.

“Ano ba ang pinaka mabenta sa mga alak dito?” ani Daddy.

“Sa ngayon po, ‘yung Basi at Bugnay. Pero may pinagkakaabalahan po sina sir Jaime. Nagtitimpla sila ng bagong Bugnay wine.”

Mahaba pa ang nilakad namin. Medyo malapit na kami sa mansion. Sa may ‘di kalayuan, natatanaw ko ang iilan pang mga gusali, maging ang stables sa kaliwa, dragonfruit farm sa kanan at iyong tinuturong orchid farm sa likod na imported pa daw.

“D’yan, Francheska, ginawa ‘yung mga alak. Nandyan din ang cellar,” ani Daddy sabay turo sa isang building. “‘Yung kabila ang staff house nila dito. Ano naman ‘yong isa pa?” tanong nito kay Manong.

“‘D’yan po ‘yung reception at tasting room. Para po ‘yan sa mga turista na gustong magpaturo po.”

Tumawa si Daddy. “Na-develop na talaga ng tuluyan ito, ano? Huling nagpunta ako, wala pa masyadong mga ganyan at konti pa ang mga pananim.”

“Tinutukan po kasi ni sir Jaime ito, e. At ngayon pong mga anak na niya ang namamahala, mas lalo pa itong napaganda. Sila po ang nagsimula nung resort na nadaanan natin kaya lalong dumami ang turista na gustong makita at maranasan ang farm.”

“Medyo malayo nga lang. Mabuti at dinadayo talaga.”

“Magaganda din naman po kasi ang falls dito sa Edens. Hinahabol din po ng mga tao na makita ang Apo Init peak.”

“Nakapunta ka na ba doon, Dad?” tanong ko.

“Hindi pa. Walang oras pero ikaw, pwede mong mapuntahan ang mga ‘yon. Alam mo bang isa lang ang lalawigan dito?” Kuminang ang mga mata ni Daddy. “Edens ang tinawag sa lugar na ‘to dahil iniisip ng mga taong kung totoo ang Garden of Eden sa bible, ito marahil ang hitsura non.”

Tumango ako kay Daddy. Kung itong Chateau pa lang ay maganda na, ano pa kaya ang malalayong parte pa ng Edens?

“I didn’t expect it to be like this,” I admitted. “When you said hacienda, inaamin ko. I expected a small patch of land lang. That’s it. And I thought it would be in a very remote and ordinary place.”

Daddy chuckled. “Madami at malalaki ang mga lupa ng mga De Villa. They’re a big family kaya ganyan. And it’s actually a smart choice to buy a land here. Maganda ang klima dito at masagana ang lupa.”

“It’s very far though. I’m surprised they even know this place.”

“Well, they are productive in everything. You’d be surprised. Mabuting kaibigan ko ang may-ari nitong hacienda. You’ll meet him today.”

Pagod na ako at pawis na pawis nang makarating kami. A tall middle-aged mestizo walked toward us and greeted Daddy with a friendly embrace.

“Kumpare,” he greeted. “Mabuti’t nakarating ka.”

“Ilang beses na ako nadadaan dito, pare. Hindi pa din ako masanay-sanay sa haba.”

“Hindi ba kayo sumakay doon sa truck?”

“Hindi na. Gusto ko din kasing makita ng malapitan ang mga tanim.”

Nilinga ko ang atensyon ko at nakita ang isang grand piano sa gilid, malapit sa kanilang living room.

“Sana’y nagustuhan mo. Hindi pa tapos ang development ng buong hacienda pero mas maayos na ito kumpara last year.” said the man who could only be Jaime De Villa, the owner of Chateau De Villa.

Ngumiti si Daddy at nilingon ako. “Siya nga pala. This is my daughter, Francheska. Nabanggit ko na siya sa’yo noon. She’s finally come home from France,” Daddy introduced. “Anak, si tito Jaime mo.”

Tito Jaime appraised me with a warm smile, his eyes creasing. “Iha, dalagang dalaga ka na. Bata ka pa nang huli kitang makita. Ilang taon ka na ba?”

“Twenty one po,” I answered politely.

“Kasing edad mo pala ang pangalawa ko.”

“‘Yung bunso mo ba, kamusta na? Ilang taon na ba ‘yun ngayon?”

“Javee? She’s seventeen now. She’s a nice kid, less rebellious than her brothers but you know daughters. Masyadong malihim.”

Tumingin sa akin si Daddy at biglang tumawa. “That, I know too well.”

Inaya kami ni tito na pumasok sa office para doon mag-usap. Sensing my exhaustion, sinabihan na lang muna ako ni Daddy na magpahinga at huwag na munang sumali doon. Sila na daw ang bahalang mag-usap.

Tito Jaime gave me the permission to stroll around the hacienda kung gugustuhin ko, magpasama lang daw ako. I wouldn’t even if I wanted to. Nananakit na ang mga paa ko kakalakad at iniinda ko na ang pawis na kumakapit sa katawan ko. I’d been back for a while now pero hindi ko pa din magawang masanay sa init dito sa Pilipinas. Although granted na hindi kasing init ng Metro Manila ang Edens. Tingin ko nga’y mas malamig dito tuwing gabi.

“Ma’am, kung gusto niyo po ay kumain muna kayo?” ani manong ponsoy sa akin.

Nakatingin ang ibang mga kasambahay, naghihintay kung may ipag-uutos ako. Tinanggal ko ang suot kong fedora hat at nagpunas ng pawis. I brought spare clothes with me. Maybe I could change from this button up blouse and jeans into something more comfortable. Surely, tito Jaime would not mind if I slip into a loose shirt and shorts instead?

“Hindi pa po ako nagugutom. Thank you po,” sagot ko.

“Kung gayon po, magpahinga na lang muna kayo sa taas. May bukas na kwarto po doon para sa mga bisita.”

Sinundan ko siya paakyat ng hagdan. Malaki ang mansion at engrande. Three-storey ito, madaming mga kwarto at cozy tingnan. Puno ng antique furnitures at mga bulaklak ang bawat sulok.

Napangiti ako nang marating namin ang third floor. I fell in love with it almost instantly. May murals ang walls at sa isang dako ay may tatlong impressionist painting.

Iniwan ako ni manong sa guest room. Nakahinga ako ng malalim nang makaupo ako sa malambot na couch doon. I felt so tired. Sanay naman ako sa lakaran but the long walk and long hours of ride pushed me to my limit.

Pumikit ako at sumandal.

I kept still for a few minutes, relishing the quiet. I jolted only when I heard noises coming from the terrace. Kids were probably playing outside. Tawa at mga sigaw nila ang pumupuno sa katahimikan dito sa mansion.

I pulled out my cell phone. I sighed in relief when I found there was still a good reception here kahit na liblib. Nung marinig ko kasing dito ako mag-stay pansamantala, I worried na baka walang signal dito. Hindi pwede iyon. I couldn’t stay disconnected from the rest of the world dahil madami din akong kailangan pang ayusin kahit over the net lang.

Nag-reply lang ako sa mga text messages ni Arlo Miguel tapos ay nagpalit na ng damit. I sighed in relief after I shrugged into loose clothes. Pinusod ko ang buhok ko at nagpunta sa terrace para panoorin ang mga batang naglalaro malapit sa malaking pool.

They were probably the kids of the farmers here. Madami akong staff houses na nakita bago kami makarating dito. Napaisip tuloy ako kung maging ba ang mga pamilya nila ay dito na nakatira.

It could be the case. Mukhang si Tito Jaime ang tipo ng taong mapagbigay sa mga trabahador niya.

Ngumiti ako sa mga batang naglalaro. Kinuha ko ang fujifilm ko at kinuhanan sila ng litrato. The carefree smiles on their face were pleasant. Nakakawala ng pagod.

Tumunog ulit ang cell phone ko.

Arlo Miguel Alfonso:

Have you thought about it yet?

Napawi ang ngiti ko. He’s still bugging me about the exhibit.

Mig. I’m not going to change my mind.

Binaba ko ang phone at mas nag-focus sa camera ko. I took shots of the Ilocos skies, the vast expanse of the Chateau, the workers diligently working in the fields. It sank fully then.

This would be my home for months. Kailangan kong mapag-aralan kung paano mamahala ng ganito para sa sarili naming hacienda.

Dad could do it for me but he’s too busy to teach me everything. He could hire someone, I suggested that, but he was keen to have me stay with the De Villa. May tiwala daw siya sa mga ito at mas matututo ako kung nandito ako mismo. Not that he didn’t trust his people in our hacienda, pero mas mapapanatag daw siya kung sina Tito Jaime ang makakasama ko.

Nagpahinga ako ng ilang minuto. Kumatok ang isang kasambahay at nagpasok ng cake at juice.

“Ang ganda niyo po, Ma’am. Kayo po ba ‘yung sinasabi nilang dito muna titira kasama nina sir?”

I nodded, smiling politely.

“Sana po magustuhan niyo dito. Mababait ang mga tao dito. Matutuwa po kayo sa kanila.”

“Napansin ko nga po,” I said. “Salamat po.”

“Tawagin nyo lang po kami kung may kailangan po kayo.”

Nakatulog ako ng isang oras. Paggising ko’y wala na sina Daddy sa office at umiikot daw sa farm. Now that I fully energized again, I started to get bored.

“Pwede po ba akong umikot dito?” tanong ko kay Manong Ponsoy.

“Gusto niyo po bang samahan kita kina sir Jaime po?”

“Ayos lang po ako. Hindi po ako lalayo. Gusto ko lang pong kumuha ng litrato.”

“Ay eh, sige po, Ma’am.”

Naglakad lakad ako. I would just take some pictures. I ran my camera around and shot just about anything I could land my eyes on. Chateau De Villa was beautiful beyond a shadow of a doubt and I wanted to take a lasting memory of it para naman maipinta ko ito pag-uwi ko.

Kung sana’y dala ko lang ang mga materials ko, iyon na lang sana ang gagawin ko pero hindi ko naman naisip na dalhin ang mga ‘yon dahil babalik pa naman kami ni Daddy. We wouldn’t stay long. Next week pa ako naka-schedule na lumipat dito.

Ginala ko ang paningin ko sa mga puno ng Bugnay dito at nilanghap ang sariwang hangin. I wasn’t looking forward to keeping away from the city but I could live with this no-pollution environment. Ibang iba ito sa Metro Manila.

Ngumiti ako sa mga trabahador na palakad lakad din. May mga dala silang mga basket na puno ng prutas. ‘Yung iba naman ay abala sa pagbibiyak ng mga buko.

Tumango ako sa kanila nang kumaway sila sa akin. Lumibot-libot pa ako hanggang sa marating ko ang mga puno ng bugnay. Napahinto ako nang may nakita akong lalaking naka-topless. Abala sa pagsusuri ng mga prutas nito at kunot noo niyang tinitingnan ang bawat puno na parang inaalam kung hinog na ba ang mga ito.

I wondered silently kung trabahador ba ito o turista. Hanggang dito ba ay pwedeng mamitas para sa pick and pay?

He was stained with dirt on his face, arms and chest. Sign na bago dito ay malamang may iba pa siyang mga ginawa.

I watched his diligence with the crops out of curiosity. There was something in that image that struck me.

Inangat ko ang camera ko at kumuha ng litrato. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na gawin ‘yon. The image was just so good I wanted to save it. Gusto ko iyong ipinta sa susunod. That absorbed expression on his face, the undivided attention and focus glimmering in his eyes. . . it was perfect for a piece.

Ngayon pa lang ay alam ko na ang itatawag ko doon.

Unappreciated glory.

Tatlong minuto ko din yata syang pinanood doon. Patuloy lang sya sa ginagawa niya. Whoever this boy was, he was obviously used to manual work. Malaki ang muscles nya sa braso. Not too bulky but sculpted enough. Siguro ay kung tatayo sya, mas malaki pa sya sa akin. I am 5’8 already. He could be around 6 something. Kumikinang din ang balat niya dahil sa kaputian, although he was more flushed red now because of the sun.

He’s . . . attractive and I wondered kung ano ang hitsura niya if he had a smile on. That was not to say that this engaged expression didn’t look good on him. It did.

Hindi niya ako napansin bago siya lumapit doon sa orchard greenhouse sa malapit. Hindi ko na siya sinundan dahil napukaw na ng mga bata ang atensyon ko.

Nagtatawanan silang lumapit sa akin.

“Hi, ate!” the kids said, frolicking around me in happy laughter.

I smiled at them.

The kids were playful and friendly. I found out they were kids of the house helpers in the mansion kaya malaya silang nakakapaglaro dito sa hacienda.

They accompanied me for the most of the day. Sa kanila ko nalaman na labing walo pala ang falls dito sa Edens at karamihan ng mga nakatira dito ay galing sa mga tribo pa. I wanted to see the town. The kids said nothing but good things about the humble people of Edens.

Nasa may grape farm kami, nanonood ng mga turista, nang marinig ko ang tawag sa pangalan ko.

I whipped around to face Manong Ponsoy.

“Ma’am Francheska. Tawag na po kayo ng Daddy mo.”

Nagpaalam na ako sa mga bata at sumunod kay manong. Dinala niya ako sa puting building na tinatawag nilang reception hall at pinasok sa tasting room.

Naroon si Daddy kasama si Tito Jaime na may pinapakitang bote ng alak sa kaniya. Sa tabi nila ang isa pang lalaki.

Natigilan ako nang mamukhaan ko ito. Siya iyong lalaki kanina na kinuhanan ko ng picture. Except he wasn’t in his half naked glory anymore. Naka-t-shirt na siya at mukhang galing sa shower dahil mamasa-masa pa ang buhok nito.

“Francheska,” tawag ni Daddy nang lumapit ako. “San ka galing?”

“Sa grape farm po. Nakipaglaro ako sa mga bata.”

“You’ve met the three musketeers?” said Tito Jaime. “Nag-enjoy ka naman ba? I hope hindi ka nila masyadong kinulit.”

“Hindi naman po. They were very accommodating,” I said politely.

“Mainam kung ganon.”

Tumingin sila doon sa mas batang lalaki. Lumapit ito lalo sa aming tatlo. Hindi nakalagpas sa akin ang mabibigat at pormal nitong mga mata. Even outside work, he had that serious expression on his face.

“Nak, there’s someone I want to introduce,” Daddy said, placing an arm around me.

Tumango ako kay Daddy pero nakatutok ako doon sa lalaki. Nakatingin na din siya sa akin.

“This is Travis De Villa, Ches,” Daddy started. “Siya ang panganay ni tito Jaime mo at ang namamahala dito.”

I had my suspicions earlier when I entered the room but I still felt mild surprise to hear the confirmation. Travis De Villa. Siya ang eldest son, ang head of operations at napagkamalan ko siyang trabahador o turista kanina!

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Siya pala ang tagapagmana ng mga De Villa. He looked young, probably around my age, but he was tall, taller even than my dad and his. I only reached until his chin.

Tumikhim si Tito Jaime.

“Trav, this is Francheska, do you remember her? I told you about her last week. She’ll be staying with you for a while to learn the management. I hope you two will get along well.”

Travis De Villa extended a hand over to me, letting out a smile that didn’t quite reach his eyes. “Travis De Villa,” he introduced politely. “Nice to meet you.”

Now that he was standing beside his father, I could see the family resemblance. Their skin was fair and looked soft to the touch, their eyes a startling shade of bright brown. Both had prominent nose and well defined jaw line. Maaaring may ibang lahi ang mga De Villa, I thought.

Paanong hindi ko naisip kanina na baka siya ang successor? Damn, Francheska.

I took his hand and shook it. “Francheska. Pleasure is mine.”

You may also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *